Thursday, January 29, 2026

Sen. Imee Marcos, posibleng palitan bilang chairman ng Senate Committee on Foreign Relations

Pag-aaralan ng liderato ng Senado kung papalitan ang chairman ng Senate Committee on Foreign Relations na kasalukuyang pinamumunuan ni Senator Imee Marcos.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, isa ito sa kanilang ikinukunsidera bagama’t hindi naman inihayag kung ano ang dahilan.

Gayunman, may impormasyon na kaya pinag-iisipang palitan ang chairman ng Committee on Foreign Relations na si Sen. Imee ay dahil nanahimik ito at hindi lumagda sa resolusyon na naghahayag ng “sense of the senate” o pagkondena ng Senado sa ginagawang pagtuligsa ng ilang opisyal ng Chinese embassy sa mga opisyal ng pamahalaan at sa ilang mga senador.

Lumulutang din ang balitang si Senator Erwin Tulfo ang ikinukunsiderang ipalit kay Sen. Marcos sa komite pero wala pang reaksyon tungkol dito.

Kung matatandaan, unang sinabi ni Sotto na may isa hanggang dalawang komite ang maaaring mapalitan ang chairman.

Facebook Comments