Sen. Imee Marcos, sasamahan si VP Sara Duterte sa kabila ng pag-alis nito sa gabinete ni PBBM

Courtesy: Sen. Imee Marcos Facebook page

Tiniyak ni Senator Imee Marcos na sasamahan niya si Vice President Sara Duterte sa kabila ng tuluyang paglayo nito sa gabinete ng kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos.

Kamakailan lang ay ginulat ni VP Duterte ang buong bansa sa pagbibitiw nito bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at Vice Chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay Sen. Marcos, nagkausap na sila ni VP Duterte at umuwi na muna aniya ng Davao ang kanyang kaibigan.


Aniya, naghayag din siya ng patuloy na pagmamahal, pagtitiwala at pananatili ng pagkakaibigan nila ni VP Sara.

Hanggang ngayon din aniya ay nalulungkot siya na tuluyang nahati ang UniTeam.

Sa tanong naman kung may balak na tumakbo si Duterte sa pampanguluhang halalan sa 2028, ang tugon ni Sen. Marcos ay hindi niya alam.

Facebook Comments