Sen. Imee Marcos, umalis sa group chat ng mga senador; SP Tito Sotto III, iginiit na wala siyang inaapi at sinisiraan na mga senador

Kumalas si Senator Imee Marcos sa group chat ng 20th Congress.

Sa post nito sa social media, ipinakita ng senadora ang mga screenshots ng kanyang pag-alis sa group chat.

Sa post din ni Sen. Imee ay nakasaad na ang laman ng group chat ay puro panggigipit sa mga kapwa senador at tanging si dating Cong. Zaldy Co lang ang target panagutin sa isyu ng flood control projects.

Sinabi rin ng senadora na noon, tuwing may sakuna o delubyo ay nagkukumahog ang mga senador na manawagan para sa pagkakaisa at nagpapaikot ng ambagan para sa mga naging biktima.

Pero ngayon aniya ay puro siraan ang nangyayari na mas malala pa sa lindol.

Samantala, sumagot naman si Senate President Tito Sotto III at binigyang diin na wala siyang sinisiraan at inaapi.

Katunayan, ilan sa mga senador ay nagpadala na ng tulong sa mga apektado ng bagyo at lindol.

Hindi aniya siya masyadong nakaka-monitor sa all senators group chat kaya naman hindi niya alam kung sino ba ang pinatutungkulan ng senadora.

Facebook Comments