Pumalag si Senator Imee Marcos sa pagtukoy sa kanya ni Senate President Juan Miguel Zubiri na dahilan ng delay sa ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP.
Sa gitna na rin ito ng mga usapin ng umano’y posibleng pagpapatalsik kay Zubiri bilang Senate President.
Depensa ni Sen. Marcos, bago pa man i-transmit ng Office of the President ang RCEP ratification package sa Senado noong November 29, nakapagsagawa na siya ng public consultation noong September upang himukin ang Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), at Bureau of Customs (BOC) na sagutin ang mga hinaing ng agriculture at MSME sectors.
December 6 nang ma-i-refer sa kanyang komite ang ratification package ng RCEP at December 12 naman ng itakda ang unang formal hearing.
Gayunman, hindi aniya nakipagtulungan ang mga ipinatawag nyang ahensya ng gobyerno.
Humingi aniya siya ng tulong kay Zubiri para pasagutin ang mga ahensya ng gobyerno ngunit hindi ito natugunan.
Dahil dito agad niyang ipinaalam sa liderato ng Senado na hindi niya maiisponsoran ang panukala nang walang sapat na proteksyon sa mga magsasaka at mga MSMEs gayundin ang paglalatag ng mga hakbangin laban sa smuggling.
Naniniwala pa si Marcos na posibleng ang pagpapalit ng Executive Secretary ang dahilan ng late transmittal ng RCEP at hindi dapat siya ang sisihing sa pagkabinbin ng ratipikasyon nito.