Sen. Imee, Pinatitiyak ang Rehabilitasyonng Magat Dam

Pinatitiyak ni Senator Imee Marcos ang pagsasaayos ng Magat Dam na pangunahing nagsusuplay ng tubig sa malaking bahagi ng Luzon.

Ito ay kinakailangan na umanong isaayos makalipas ang limampung (50) taon nang ipagawa ito ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noon pang taong 1975.

Ayon kay Marcos, pag-aaralang mabuti ang pagsasaayos ng Dam dahil kailangan ng rehabilitasyon.

Kinakailangan na rin aniya na mas mapaganda ang Dam dahil nasa 100,000 ektarya na ang pinapatubigan nito.

Bukod sa Dam, nakatuon rin ang Administrasyong Marcos Jr. sa usapin ng elektrisidad.

Samantala, pinatutsadahan naman ng Senadora ang sumunod na administrasyon matapos manungkulan ang kanyang ama kung saan, sinasabing hindi umano inayos ang naturang Dam.

Facebook Comments