Wednesday, February 18, 2026

Sen. Imee, suportado ang pagtakbo ni VP Sara Duterte sa 2028

Kinatigan ni Senator Imee Marcos ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2028 national elections.

Ayon kay Sen. Imee, tinupad lamang ni VP Sara ang hiling at panawagan ng kanyang mga taga-suporta na nagnanais na siya ay kumandidato sa pagka-presidente sa 2028.

Sinabi pa ng senador na ang anunsyo ni VP Duterte ay kumukumpirma lamang ang takot ng kanyang mga makakalaban.

Iginiit ni Sen. Marcos na si VP Sara ang katauhan na kabaligtaran ng kasalukuyang administrasyon at magbibigay ng direksyon sa isang bansa na walang patutunguhan.

Naniniwala rin ang mambabatas na ang bise presidente ay nagtataglay ng mga solusyon para sa bansa dahil sa tapang at malasakit nito tulad sa kanyang ama bitbit ang mga karanasan sa pagtulong sa mga mahihirap at mga pinagmalupitan.

Facebook Comments