
Magsasampa na ng kasong perjury si Senator Jinggoy Estrada laban kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez na nagdawit sa kanya sa maanomalyang flood control projects.
Batay sa abiso sa tanggapan ng senador, bukas ng umaga siya maghahain ng kaso sa Office of the City Prosecutor ng Quezon City.
Matatandaang sa pagdining ng Kamara tungkol sa mga katiwalian sa flood control projects ay doon binanggit ni Hernandez na nagbaba ng ₱355 million na pondo si Estrada para sa flood control project sa lalawigan ng Bulacan kung saan 30 percent dito ay kickback ng senador.
Nauna namang iginiit ni Estrada na walang katotohanan ang alegasyon ni Hernandez na sinabihan ng senador na sinungaling at kahit kailan ay hindi niya nakaharap.
Bukod kay Hernandez ay isinangkot din ni dating Bulacan District Engineer Henry Alcantara si Estrada sa ghost flood control at ito naman aniya ay batay sa sinabi ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo.









