Sen. Jinggoy Estrada, naghain ng resolusyon na naghahayag ng pagtutol sa imbestigasyon ng ICC sa drug war ng Duterte administration

Inihain ni Senator Jinggoy Estrada ang panukala na nagpapakita ng pagtutol ng Senado sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa giyera kontra iligal na droga ng nakaraang “Duterte administration.”

Sa inihaing Senate Resolution 492 ni Estrada, sinabi ng senador na ang ginagawa ng ICC na panghihimasok ay paglapastangan sa soberenya ng Pilipinas at pagtapak sa judicial system ng bansa.

Binigyang-diin ng senador na hindi kailangang pumasok ng ICC sa bansa dahil gumugulong naman ang hustisya para sa mga kaso ng pang-aabuso sa gitna ng drug war.


Bukod dito, sumulat naman na ang gobyerno ng Pilipinas sa ICC para tutulan ang imbestigasyon na ito.

Maliban sa resolusyon na ito ay nauna namang naghain si Senator Robin Padilla ng hiwalay na resolusyon na naglalayong ideklara ng Senado ang pagtatanggol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte mula sa imbestigasyon o prosecution ng ICC.

Facebook Comments