Friday, January 16, 2026

Sen. Jinggoy, nagtungo sa Sandiganbayan matapos ang pagbiyahe nito abroad

Nagtungo sa Sandiganbayan ngayong hapon si Senador Jinggoy Estrada kasama ang kampo nito.

Ayon sa senador, siya ay magsusumite ng travel compliance documents matapos ang kaniyang biyahe sa ibang bansa.

Matatandaang naghain ng mosyon ang kampo ni Estrada sa Fifth Division noong nakaraang taon kaugnay ng paglabas nito sa bansa.

Nakasaad sa mosyon na payagan ang senador na makabiyahe sa bansang Japan noong December 26 to 31 at sa Norway, Iceland, at Austria nitong January 5 hanggang January 15.

Sa ngayon, nakabinbin pa rin sa Sandiganbayan ang kaso ni Estrada na may kaugnayan sa PDAF Scam o Pork Barrel Scam.

Facebook Comments