Sen. Joel Villanueva, Pinasisibak Sa Pwesto Ng Ombudsman Dahil Sa Pagkakasangkot Sa Pdaf Scam

5

MANILA – Pinasisibak ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa pwesto si Sen. Joel Villanueva.Ito ay makaraang mapatunayan ng Ombudsman na guilty ang Senador sa grave misconduct, serious dishonesty and conduct prejudicial to the interest of the service at siyam na iba pa dahil sa maling paggamit sa kaniyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong 2008 na siya ay kongresista pa.Gusto rin ng Ombudsman na isailalim si VILLANUEVA sa paglilitis ng Sandiganbayan.Kasama ring kinasuhan ng Ombudsman sa anti-graft court sina dating Department of Agriculture Secretary Arthur Yap, staff ni Villanueva na si Ronald Samonte, DA employee Delia Ladera, NABCOr Representatives Alan Javellana, Romulo Relevo, Ma. Julie Villaralvo-Johnson, Rhodora Mendoza, at Maria Ninez Guanizo; at si Aaron Foundation Philippines, Inc. (AFPI) President Alfredo Ronquillo.Sa imbestigasyon ng Ombudsman noong June 10, 2008, inilabas ng Department of Budget and Management ng P10-million na bahagi ng PDAF ni Villanueva para sa agri-based livelihood projects sa ilang Congressional districts sa region-11.Pero sa imbestigasyon, napatunayan ng Ombudsman na ang lokasyon para sa proyekto ay hindi angkop sa farming projects; wala sinuman sa mga nasa listahan ng beneficiaries ang registered voter o residente sa lugar; at kinumpirma mismo ng mga lokal na opisyal na walang agri-based livelihood projects na naipatupad AFPI.

Facebook Comments