Sen. Joel Villanueva, Sen. Jinggoy Estrada, Cong. Zaldy Co at iba pang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects, sinampahan na ng kaso

Sinampahan na ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga isinasangkot sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kabilang sa mga pinakakasuhan sina Senators Joel Villanueva at Jinggoy Estrada, Congressman Zaldy Co, dating Bulacan DPWH District Engineer Henry Alcantara, dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, at dating Congresswoman Mitch Cajayon-Uy.

Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Section 3 ng Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act , Article 211 ng Revised Penal Code o indirect bribery at Article 217 malversation of public funds.

Agad na ring ipinag-utos ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang pag-freeze sa mga bank accounts ng mga nabanggit.

Samantala, wala pang naisasampang kaso laban kay dating Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. gayundin kay Commission on Audit (COA) Commissioner Mario Lipana at sa asawa nitong contractor dahil kasalukuyan pang sinusuri ito ng Department of Justice.

Facebook Comments