Sen. Joel Villanueva, umapela sa lahat na mag-move forward na mula sa kontrobersyal na promotional video ng tourism slogan “Love the Philippines”

Hinimok ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang lahat na mag ‘move forward’ o isantabi na ang kontrobersyal na isyu tungkol sa promotional video ng Department of Tourism (DOT) para sa paglulunsad ng bagong tourism slogan na “Love the Philippines”.

Ayon kay Villanueva, sadyang nakakalungkot na ang isang proyekto na dapat sana’y magsusulong ng kagandahan ng bansa ay napuno ng kontrobersiya at umabot na rin sa atensyon ng international media.

Pagbibigay diin pa ng senador, ang Pilipinas ay maganda mayroon o walang slogan.


Sa kabila ng nangyari ay iginiit ni Villanueva na kailangan na nating mag-move forward mula sa nangyaring insidente at ituon na lamang ang ating mga pagsisikap na maibalik ang kumpyansa ng mga turista at maitaas ang bilang ng domestic at foreign visitors sa bansa.

Hiniling din ng lider ng mayorya sa pamahalaan na magkaroon ng ‘whole-of-government approach’ para sa promotion ng turismo ng bansa katulad ng pagpapahusay ng transport services, skills training para sa mga manggagawa sa tourism industry, at pagtulong sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) para sa produksyon ng lokal na produkto.

Facebook Comments