Friday, January 23, 2026

Sen. JV Ejercito, malaki ang tiwala na walang sapat na grounds ang ethics complaint laban sa kanya

Kumpyansa si Senator JV Ejercito na walang sapat na grounds ang ethics complaint na inihain laban sa kanya.

Nagsampa ng reklamo sa Ethics Committee si Atty. Eldridge Aceron laban sa Chairman ng komite na si Ejercito dahil sa hindi pagtupad ng constitutional duty matapos ang hindi pag-aksyon sa inihaing ethics complaint laban kay Senator Chiz Escudero.

Iginiit ni Ejercito na hindi niya kasalanan kung wala pang pag-usad sa mga reklamo laban sa ilang senador dahil bukod sa hindi pa kumpleto ang mga myembro, inabutan na rin sila ng budget season at session break.

Umaasa naman ang senador na ngayong Enero sa pagbabalik sesyon ay mabubuo na ang mga myembro ng komite at ma-manifest na sa plenaryo ang mga ethics complaint.

Handa naman si Ejercito na mag-inhibit sa pagdinig ng reklamo laban sa kanya at kung sakali ay vice chairman ng komite ang magpe-preside sa ethics complaint laban sa kanya.

Facebook Comments