Sen. “JV” Estrada, Muling Bumisita sa Isabela!

Santiago City, Isabela- Masayang sinalubong ng mga Santiagueṅos at media kasama ang iba pang personalidad ang pagdating ng senador sa probinsya sa kanyang muling pagbisita kahapon, Pebrero 10,2018 partikular sa Southern Isabela General Hospital (SIGH) ng lungsod ng Santiago, Isabela.

Pinangunahan ni City Mayor Joseph S. Tan ang pagbisita sa nasabing Ospital kasama sina 4th District Congressman Nettie Aggabao at former Congressman “Gigi” Aggabao, Cauayan City Mayor Bernard Dy, SIGH head Dr. Jose Ildefonso Costales at iba pang mga personalidad.

Ayon sa senador, pakay niya na bistahin ang lahat ng provincial hospitals at isa sa kanyang mga nakitang pagamutan sa Isabela ay ang SIGH na kung saan napansin nito ang kakulangan ng pasilidad gaya ng hospital beds at buildings.


Kanyang ibinahagi na dadagdagan na ang SIGH beds mula 200 hanggang 350 beds sa pamamagitan ng kanilang ilalatag na House Bill 4274 sa senado na pangungunahan ni Congressman Aggabao at magiging Southern Isabela Medical Center na ang SIGH.

Layunin ng senador bilang Chairman of Committee on Health na magkaroon ng maayos at mas magandang hospital at wala nang makikitang nakahigang pasyente sa mga pasilyo at labas ng ospital dahil sa sobrang dami ng pasyente na galing sa ibat-ibang bahagi ng Isabela at ibang probinsya.

Aniya, handa silang pagsilbihan ang lahat ng nangangailan ng tulong maging ang mga karatig probinsya ng Isabela.

Inaasahan pa na muling babalik ang senador sa lungsod upang makita ang resulta ng kanilang proyekto.





Facebook Comments