Sen. Koko Pimentel, bigo pa ring maghain ng counter affidavit sa reklamong paglabag sa quarantine protocol

Bigo pa rin si Senator Koko Pimentel na makapaghain ng counter affidavit sa Department of Justice-National Prosecution Service (DOJ-NPS) kaugnay sa reklamong paglabag sa quarantine protocol.

Bunga nito, sinabi ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na hanggang July 15, 2020 ang deadline na ibinigay ng DOJ-NPS kay Pimentel.

Desisyon daw ng assigned prosecutor na palawigin ang deadline sa pamamagitan ng amended order.


Sa oras naman na magsumite si Pimentel ng counter affidavit, sinabi ni Malcontento na ang reklamo ay submitted for resolution na, maliban na lamang kung may mga partido na maghahain pa ng reply at rejoinder.

Noong Abril ay inireklamo ni Atty. Rico Quicho si Pimentel dahil sa paglabag sa quarantine protocols habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

May kaugnayan ito sa pagtungo ni Pimentel noong March 24, 2020 sa Makati Medical Center (MMC) para samahan ang manganganak na misis, kahit alam niya na siya ay positibo sa COVID-19.

Facebook Comments