SEN. LACSON, BINUNYAG ANG UMANO’ ANOMALYA SA BAUANG FLOOD CONTROL PROJECT

Sa kanyang privilege speech sa Senado, ibinunyag ni Senator Panfilo Lacson ang umano’y anomalya sa mga flood control projects sa Bauang River Basin, La Union.

Ayon kay Lacson, wala umano sa original National Expenditure Program (NEP) ang nasabing proyekto ngunit bigla itong isinama sa General Appropriations Act (GAA).

Mula sa orihinal na PHP 100 milyon, lumobo ang pondo para sa flood control sa PHP 967 milyon para sa Naguilian at PHP 623 milyon para sa Bauang, na hinati sa pitong packages na tig-PHP 89 milyon bawat isa. Lahat umano ng kontrata ay napunta sa Silverwolves Construction Corporation.

Tinukoy din ni Lacson ang pattern ng mga tinatawag niyang “distinct projects” o cloned at ghost projects, mga proyektong depektibo, walang malinaw na disenyo, substandard, at minsan ay hindi naman talaga naipatayo.

Tinuligsa rin ng senador ang umano’y sistema ng “greed control” kung saan halos 40% lamang ng pondong inilaan ang napupunta sa aktwal na konstruksyon dahil sa kickbacks at pork barrel schemes.

Binigyang-diin ni Lacson ang pangangailangan ng transparency at accountability sa paggasta ng pondo ng bayan upang masiguro na napupunta ito sa tamang proyekto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments