Sen. Lacson, boboto kontra sa ratipikasyon ng 2019 budget bukas

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senator Panfilo Ping Lacson ang boto kontra sa ratipikasyon ng proposed 2019 budget at naghahanda na siya ng mahabang paliwanag.

Natapos na nina Senate Finance Committee Chairperson Loren Legarda at House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya at Technical staff ang Bicameral conference committee o bicam meeting para sa proposed 2019 budget.

Sabi ni Legarda, alas-nuwebe bukas ng umaga ay ipiprisinta nila sa mataas at mababang kapulungan ang 2019 budget, para ito ay mapag-aralan ng mga kongresista at senador at kanila nang malagdaan.


Ayon kay Senate President Tito Sotto III, alas-tres ng hapon bukas ay magkakaroon ng session para ratipikahan ang pambansang budget at ihabol ang pagpasa sa ilan pang mahahalagang panukalang batas.

Pero dismayado si Lacson dahil sa inaprubahang budget sa bicam ay hindi nagalaw ang umano’y tig 160 million pesos na pork barrel ng bawat kongresista at ang kabuuang 23 billion pesos na insertions ng mga senador sa budget ng Department of Public Works and Highways o DPWH.

Facebook Comments