Manila, Philippines – Pinanindigan ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson ang pahayag niya na kapos ang pondong ibinigay ng nakaraang administrasyon para sa mga naging biktima ng super-typhoon Yolanda na humagupit sa 171 lungsod at munisipalidad sa bansa noong 2013.
Tugon ito ni Lacson sa tanong ni dating Pangulong Noynoy Aquino kung bakit hindi inireklamo noon ni Lacson ang kakulangan ng pondo para sa Yolanda victims para nahanapan sana agad ito ng solusyon.
Si Lacson, ay itinalaga noon ni dating Pangulong Aquino bilang presidential assistant for rehabilitation and recovery o Yolanda rehabilitation czar.
Diin ni Lacson, natutunan niya sa kanyang military training na huwag magreklamo sa pagganap sa kanyang trabaho.
Kaya naman ayon kay Lacson, ginawan na lang niya ng paraan na matupad ang kanyang tungkulin kahit kulang ang suporta na nakuha niya mula sa administrasyong Aquino.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>