Wednesday, March 11, 2026

Sen. Lacson, sinabing mas pogi siya kay Sen. Marcoleta kaya paborito siyang pag-initan

Aminado si Senate President pro-tempore Ping Lacson na paborito siyang sisihin ni Senator Rodante Marcoleta.

Nang tanungin kung bakit nga ba siya paborito nitong batikusin, pabirong sagot ni Lacson ay siguro mas pogi siya kumpara sa nasabing mambabatas.

Ayon kay Lacson, sobra na at namimihasa na sa kanya si Marcoleta kaya naman sinagot na niya ang mga patutsada nito laban sa kanya at sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sa tuwing lumulubog aniya si Marcoleta sa mga pahayag nito ay naghahanap na lamang ito palagi ng masisisi sa mga nagawang pagkakamali.

Dagdag pa ni Lacson oras na bumanat muli sa kanya si Marcoleta ay hindi niya ito palalampasin.

Facebook Comments