Sen. Lapid, suportado ang Lacson-Sotto tandem sa Eleksyon 2022

154

Suportado ni Senator Lito Lapid ang kandidatura nina Partido Reporma chairman at standard bearer Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa May 2022 national elections.

Ayon kay Lapid, ang dalawang kapwa mambabatas ang pinaka-karapatdapat na mamuno sa bansa dahil sa mga karanasan nito sa Senado.

Dagdag pa ni Lapid na sinusuportahan niya ang tambalang Lacson-Sotto hindi lamang dahil kaalyado niya ang mga ito kundi dahil nakita niya sa dalawa ang katangian ng isang magaling na lider at mababatas habang sila ay nasa Senado.


Si Lapid ay miyembro ng National People’s Coalition na pinamumunuan ni Sotto at kaalyado naman ng Partido Reporma na pinamumunuan ni Lacson.

Facebook Comments