Sen. Leila De Lima, Iginiit Na Paghihiganti Ang Motibo Sa Panibagong Kaso Na Inihain Sa Kanya Ng Mga Dating Opisyal Ng N

7

MANILA – Paghihiganti ang nakikitang dahilan Ni Sen. Leila De Lima sa pagsasampa ng reklamong“conspiracy to sell drugs”laban sa kanya nina dating National Bureau of Investigation Deputy Directors Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala.Sa katunayan, sinabi ni De Lima, na hindi na siya nagulat sa ginawa ng dalawa dahil may galit ito sa kanya.Dagdag pa ni De Lima, hindi na siya umaasa ng patas na pagtrato mula kay Justice Secretary Vitalliano Aguirre.Pinaghahandaan na rin niya ang mga kaso na posible pang isampa laban sa kanya.Sa kanya namang pagharap sa College Of Holy Spirit sa Maynila, muling inupakan ni De Lima ang kampanya ng Duterte Adminstration laban sa ilIgal na droga.

Facebook Comments