Sen. Leila de Lima, ipinanukala ang pag-hire ng maraming teaching assistant para makapag-focus ang mga guro sa pagtuturo!

Binigyang-diin ni Opposition Senator Leila de Lima ang kahalagahan ng pagha-hire ng mga teaching assistant na syang katuwang ng mga guro upang matiyak na maibibigay ang dekalidad na edukasyon sa mga estudyante sa bansa.

Sa kaniyang mensahe na ipinarating ng kaniyang chief legislative officer na si Atty. Abel Maglanque sa“Teachers for Leni” online event, sinabi ni De Lima na malaking tulong sa mga guro ang kaniyang panukala na mag-hire ng mga teaching assistant na magiging katuwang sa iba’t ibang gawain.

Giit ng mambabatas, professionals, highly educated at sinanay ang mga guro para magturo sa mga bata ngunit napakarami nilang administrative task tulad ng pagiging assistant ng Commission on Elections (COMELEC) tuwing halalan.


Bunsod nito, nais ni De Lima na 80% ng gawain ng mga guro ay nakatutok lang sa pagtuturo sa mga mag-aaral at hindi dapat sila binubugbog sa mga administrative duties.

Ipinanukala rin ng mambabatas na otomatikong dagdagan ang mga guro at silid-aralan kapag dumami ang bilang ng mga estudyante.

Si De Lima ay co-author ng Republic Act No. 11314 na layong magbigay sa mga estudyante ng diskwento sa public transportation at iba pa.

Enero ng ihain ng senadora ang Senate Bill No. 2497, upang i-promote, protektahan at siguraduhin ang karapatan ng mga guro sa pamamagitan ng pag-iinstitutionalize sa Revised Magna Carta for Public Teachers.

Facebook Comments