Sen. Leila De Lima, naghain ng mga mosyon para ibasura ang mga kasong isinampa laban sa kanya

MUNTINLUPA, PHILIPPINES – Naghain ng motion to quash at motion to judicial determination of probable cause ang kampo ni Senadora Leila De Lima sa Muntinlupa Regional Trial Court laban sa mga kasong isinampa laban sa senadora.

Ayon kay De Lima – dapat sa ombudsman isinampa ang kaso at hindi sa Regional Trial Court.  

Para naman kay Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo – tama lang ang naging hakbang ng Dept. of Justice na isampa ang mga kaso sa Muntinlupa RTC. 

Sinabi naman ni Senate President Koko Pimentel – sakali mang arestuhin si De Lima ay hindi nila hahayaan na gawin ito sa loob ng senado.  

Sa pag-raffle sa tatlong illegal drugs case laban kay De Lima, napunta ang tatlong kaso kina Judge Juanita Guerrero, Judge Amelia Fabros Corpus at Judge Patria Manalastas De Leon.

Ang tatlong nabanggit na husgado ang magdedesisyon kung may probable cause para maglabas ng arrest warrant laban kay De Lima.

Nakatakdang dinggin ang mga mosyon ng senadora sa Biyernes (Pebrero 24)


 

Facebook Comments