MANILA – Nanindigan si Senadora Leila De Lima na tino-torture o pinapahirapan ng mga otoridad ang mga preso na tumetestigo laban sa kanya.Sa press conference ni de Lima, sinabi niya na ang iba sa mga tumestigo at nagsiwalat ng mga umanoy katiwalian sa bilibid ay tinakot o binayaran.Kasabay nito, dumipensa din siya sa mga pahayag ni PNP Deputy Chief for Operations Director Benjamin Magalong na pinakiusapan ito ni dating BuCor director Franklin Bucayo na huwag ituloy ang raid sa Bilibid noong December 2014.Inamin din ni de Lima na bukod sa dami ng kanyang natatanggap na prank text messages ay umalis na siya sa kanyang bahay dahil apektado na ang seguridad ng kanilang tinitirhang subdivision.Samantala, sinabi ng senadora na hindi na siya magugulat kung tumestigo din laban sa kanya ang sinasabing bigtime drug lord sa bilibid na si Jaybee Sebastian.
Sen. Leila De Lima, Naninindiggang Tinakot O Binayaran Ang Ilang Preso Na Tumestigo Laban Sa Kanya
Facebook Comments