Kasabay ng pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong Marso ay muling iginiit ni Senator Loren Legarda ang kahalagahan ng pagpapalakas sa mga programang panghanapbuhay para sa mga kababaihan at ang kanilang pagiging financially independent.
Matatandaan na si Legarda ang may akda ng mga batas na nagsusulong ng kapakanan at proteksiyon ng mga kababaihan at kabataan.
Kabilang na rito ang anti-Violence Against Women and Children Act, Magna Carta of Women, Anti-Child Labor law, the Anti-Trafficking in Persons Act at ang expanded version nito.
Bukod diyan, si Legarda rin ang nagpasa ng expanded Anti-Trafficking In Persons Act na siyang unang Anti-Trafficking law sa buong Southeast Asia.
Facebook Comments