
Iginiit ni Senador Rodante Marcoleta ang pagkakaroon ng centralized na pamamahala sa pagtugon sa mga epekto ng patuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT), binigyang-diin ni Marcoleta ang pangangailangan ng isang komprehensibo at maayos na contingency plan sa gitna ng krisis.
Iminungkahi rin ni Marcoleta na ang Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) na pinanumunuan ni Secrerary Arsenio Balisacan ay dapat na manguna at tiyakin na “walang ahensiya na naiiwan sa pag-uulat ng mga kaganapan.”
At dapat din aniyang tiyakin na malinaw ang mga report na ilalatag ng bawat ahensya ng pamahalaan hinggil sa pagtugon sa krisis.










