Sen. Marcos, ibinulgar kung sino ang ‘VIP’ na tetestigo sa pagdinig ng Blue Ribbon bukas

Tinukoy ni Senator Imee Marcos na ang “very important witness” na haharap bukas sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ay si dating Cong. Zaldy Co.

Bukas ay ipagpapatuloy ng Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon tungkol sa maanomalyang flood control projects na pinamumunuan muli ni Senate President pro-tempore Ping Lacson.

Ayon kay Sen. Imee, ang “latest chika” na nakuha niya ay si Co ang tinutukoy na very important witness at haharap ito via Zoom.

Gayunman, sinabi ng senadora na hindi pa siya sigurado sa nakuhang impormasyon at duda rin siya kung matutuloy ang pagharap ni Co.

Maliban dito, may mga inimbitahan din na mga kongresista na aniya ay “scripted” o may script na para linisin ang pangalan ni dating Speaker Martin Romualdez.

Inaasahan ring haharap bukas si Cong. Toby Tiangco na ayon sa senadora ay may mga dagdag at bagong ibubunyag bukas tungkol sa anomalya ng mga flood control projects.

Facebook Comments