Sen. Marcos, isinulong na huwag patawan ng VAT ang COVID-19 vaccine

Inihain ni Senator Imee Marcos ang Senate Bill Number 1988 na nag-aamyenda sa Government Procurement Act para maging exempted sa Value Added Tax o VAT ang bakuna laban sa COVID-19 na bibilhin ng mga Local Government Units (LGUs) at pribadong sector.

Pero may kaakibat itong kondisyon na dapat ay gagamitin ang bakuna sa kanilang mga empleyado at dependent at hindi ibebenta.

Bukod sa VAT, itinatakda rin ng panukala ni Marcos na huwag nang patawan ang COVID-19 vaccine ng import duties at iba pang bayarin sa national at local government agencies.


Kasama rin sa pinabibigyan ni Marcos ng exemption ang essential supplies at mga kagamitan na gagamitin sa storage at handling ng mga bakuna.

Sabi naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, nakapaloob sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE BILL ang exemption ng COVID-19 vaccines sa VAT pati mga gamot, device, raw materials at mga kagamitang kailangan sa pagtugon sa pandemya.

Facebook Comments