
Patuloy pa rin ang sagutan nina Senator Imee Marcos at Senator Ping Lacson sa isa’t isa sa gitna ng iringan sa umano’y isyu ng pork barrel sa 2026 national budget.
Sa panibagong patutsada ni Sen. Imee sa kanyang Facebook post, sinabihan niya si Lacson na tumingin muna sa “compact mirror” bago magbigay ng advice.
Bago ang reaksyong ito ay sinabi ni Lacson kay Sen. Marcos na kung walang moral na karapatan para mamintas ng kapwa ay manahimik na lamang ang senadora.
Nakasaad din sa social media ng senadora na siyang hindi napagbigyan ang mga wishlist ang iniisyu sa 2026 budget samantalang ang mga pumaldo sa budget ay dedma sila.
Mayroon pang post si Sen. Imee na “Gigil yarn? Baka makipagsabunutan?” na sagot niya umano sa mga “hanash” sa kanya ni Lacson.
Matatandaang uminit pa ang sagutan ng dalawa nang punahin ni Sen. Imee ang 2026 budget na tadtad ng pork barrel pero sinabi ni Lacson na batay sa Cabral files, mayroong P2.5 billion na allocables o pork barrel ang senadora sa ilalim ng 2025 national budget.










