Sen. Marcos, may kondisyon kay Speaker Romualdez bago pumayag na makipag-usap

Hinamon ni Senator Imee Marcos si Speaker Martin Romualdez na i-atras nito ang pagsusulong ng People’s Initiative (PI).

Ito ang hininging kondisyon ni Senadora Marcos sa pahayag ni Romualdez na bukas siyang makipag-usap sa senadora matapos ang palitan ng maaanghang na salita.

Hirit ni Sen. Marcos, dapat ay mawakasan na ang People’s Initiative dahil mawawalang-saysay ang pag-uusap nila ng Speaker kung tuloy pa rin ito.


Hiniling din ng mambabatas na itapon na ang lahat ng forms na pinaglagdaan ng PI at pagkatapos nito ay saka nila gawin ang paguusap.

Samantala, ganito rin ang apela ni Senator JV Ejercito na itigil na ang People’s Initiative para mapagusapan na ng Kongreso ang mga isyu na mas mahalaga.

Hindi rin aniya dapat itigil ang imbestigasyon ng Senado sa mga iregularidad sa pekeng People’s Initiative maliban kung may categorical na pahayag ang Kamara na hihinto na sila sa pangangalap ng lagda at pagsusulong nito.

Facebook Comments