Sen. Marcos, pinagsabihan ang ilang nagsusulong ng Cha-cha na magkaroon ng kaunting kahihiyan

PHOTO: Senate of the Philippines/Facebook

Nanawagan si Senator Imee Marcos sa sinumang nagsusulong ng charter change na ang nais ay mapalawig ang termino na magkaroon naman ng kaunting kahihiyan.

Ang reaksyon ng senadora ay matapos ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang isinusulong na Cha-cha ay naglalayon na mapalawig ang termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Giit ni Sen. Marcos, dapat ay bawal makinabang ang mga opisyal o mambabatas sa anumang aamyendahan sa ating Konstitusyon o sa ating batas.


Samantala, tumanggi naman si Senator Robin Padilla na magkomento sa sinabing ito ng dating pangulo.

Batid naman aniya ng lahat na pabor siya sa Cha-cha kaya naman, ipauubaya na lang ng senador kay Pangulong Marcos ang pagsagot sa naging paghayag ni dating Pangulong Duterte.

Facebook Comments