Iginiit ni Senator Imee Marcos na sobra na ang lokohan sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa dami ng mga nananalo sa lotto.
Matatandaang unang inihayag ni Senator Marcos na dapat malaman at maitala ng Guiness World Records ang dami ng mga lotto winner sa bansa.
Sinabi ng senadora na maraming mga mahihirap ang umaasa na makaka-jackpot sa lotto pero pati ba naman ang simpleng pangarap na ito ay nanakawin pa ng iilan.
Ayon kay Senador Marcos, nakakatawa dahil “mathematically” ay malabong mangyari ang ganito na halos araw-araw ay may nananalo.
Tinukoy ng mambabatas ang 433 lotto winners na nanalo sa loob lamang ng anim na buwan kasama na rito ang kontrobersyal na edited na larawan ng isang nanalo.
Ikinalugod ni Senador Marcos na nagsalita na tungkol dito si Senator Raffy Tulfo at umaasang may mapaparusahan sa ginawang imbestigasyon dito ng Senado.