Sen. Mark Villar, haharap sa ICI hearing bukas

Kinumpirma ni Independent Commission for Infrastructure (ICI) Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka na haharap sa pagdinig ng ICI bukas, October 7, si Senador Mark Villar kaugnay ng flood control projects.

Sinabi ni Hosaka na nagkumpirma sa Komisyon si Villar na haharap ito sa pagdinig dakong alas-9:00 ng umaga bukas.

Inaasahang magbibigay linaw si Villar sa imbestigasyon ng ICI bilang isang dating Public Works secretary.

Bukod kay Villar, muli ring haharap bukas sa Komisyon ang mag-asawang contractors na sina Curlee at Sarah Discaya.

Una na ring pinadalhan ng subpoena ng ICI sina ex-Speaker Martin Romualdez at resigned Congressman Elizaldy Co pero wala pang katiyakan kung kailan haharap ang mga ito.

Facebook Comments