
Tiwala si Senator Mark Villar na ang desisyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na ipasa sa Office of the Ombudsman ang imbestigasyon sa paguugnay sa kanya sa maanomalyang flood control projects ay patunay lamang na walang matibay na batayan ang mga alegasyon laban sa kanya.
Ayon kay Sen. Mark, pinagtibay lamang ng pasyang ito ang kanyang pinaninindigan sa simula, na ang mga alegasyon laban sa kanya ay walang basehan at walang sapat na ebidensya.
Lagi niyang tinitiyak na ang kanyang mga aksyon ay may integridad at magpapatunay nito ang kanyang track record.
Handa naman si Villar na humarap at makiisa sa isasagawang imbestigasyon ng Ombudsman para mabigyang linaw at mapanagot ang totoong may sala.
Matatandaang si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo ang nagdawit kay Villar sa umano’y pagtanggap nito ng komisyon sa mga proyekto para sa flood control.









