Sen. Mark Villar, suportado at handang harapin ang imbestigasyon ng DOJ tungkol sa mga proyekto ng DPWH

Handa si Senator Mark Villar na humarap sa imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Naunang inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na iniimbestigahan ang senador kaugnay sa pagkakaroon ng koneksyon o “family ties” sa umano’y contractor sa Las Pinas na nakakuha ng ₱18.5 billion na government contracts.

Iginiit ni Sen. Mark na wala siyang direct o indirect ownership o kontrol sa interes ng mga kumpanyang lumalahok sa mga proyekto ng DPWH.

Makukumpirma aniya sa official record na wala sa mga kaanak niya ang nakakuha ng kontrata sa gobyerno mula 2016 hanggang 2021 noong siya pa ang Kalihim ng ahensya.

Nagpahayag din si Villar ng suporta sa ginagawang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa mga maanomalyang flood control projects at dagdag pa ng mambabatas para maiwasang maulit ang mga ganitong katiwalian ay maghahain siya ng panukala na magbibigay mandato para sa pagbabantay ng lahat ng major government projects.

Facebook Comments