Humiling si Senator Migz Zubiri kay Senate President Chiz Escudero ng pulong para pag-usapan ang pagkakaroon ng maraming konsultasyon at caucus sa mga senador tungkol sa mga panukalang batas at resolusyon bago ilatag sa plenaryo.
Nitong Martes ng gabi ay nagkasagutan sa plenaryo sina Zubiri at Senator Alan Peter Cayetano matapos na hindi magkaintindihan sa concurrent resolution kaugnay sa pagboto ng 10 EMBO Barangays.
Nais ni Zubiri na sa pamamagitan ng pulong ay hindi na mauulit ang hindi pagkakaunawaan ng mga senador tulad ng nangyari sa pagitan nila ni Cayetano.
Wala namang pinagsisihan si Zubiri na nangyari ang pagtatalo nila ni Cayetano dahil malinaw naman na isang miscommunication lamang ito na nauwi sa misunderstanding na sa huli ay nabigyang-linaw naman at nagkaayos din sila.
Isa aniyang leksyon dito ay dapat na magsagawa muna ng konsultasyon para makuha ang consensus ng mga senador bago ang pag-apruba sa mga panukala at resolusyon.