
Inamin ni Senator Migz Zubiri na mayroon siyang malaking tampo sa ilang myembro ng “seatmates bloc” sa Senado.
Ang natitira na lamang sa tinawag na seatmates bloc noong 19th Congress ay binubuo nina Senators Zubiri, Loren Legarda, JV Ejercito, Sherwin Gatchalian, at Joel Villanueva.
Pero sa bagong komposisyon ng 20th Congress ay nag-iba na rin sila ng grupo dahil sa magkaibang sinusuportahan sa pagka-Senate President.
Ayon kay Zubiri, masama ang kanyang loob sa seatmates bloc dahil inilatag niya na suportahan nila si Senator Tito Sotto III sa pagka-Senate President pero tahimik lamang ang mga ito at hindi man lang ipinabatid na mayroon na silang ibang susuportahan.
Sakali namang hindi makuha ni Sotto ang Senate Presidency ay nakahanda ang grupo ni Zubiri na veterans bloc na maging minority.









