Sen. Nancy Binay at Sen. Alan cayetano, sasailalim muna sa conciliation meeting sa ethics committee

 

Sasailalim sa conciliation meeting ng Senate Committee on Ethics sina Senator Nancy Binay at Alan Peter Cayetano para subukang pagkasunduin.

Ito’y matapos magkainitan sa pagdinig sina Binay at Cayetano ukol sa New Senate Building at sinampahan ni Binay si Cayetano ng reklamo sa Ethics.

Ayon kay Senate Committee on Ethics Chairman Francis Tolentino, kikitain niya muna sina Binay at Cayetano para maisaayos ang gusot sa pagitan ng dalawa kasama ang mga miyembro ng komite.


Sakaling hindi pa rin magkasundo ang dalawa ay saka pa lamang magkakaroon ng pagdinig.

Umaasa si Tolentino na magkakaayos din ang dalawa at hindi na hahantong sa pagdinig dahil posibleng dala lang ng matinding emosyon kung kaya’t nagkainitan sa hearing ang dalawang senador.

Facebook Comments