Hinamon ni Sen. Nancy binay ang bagong pinuno ng Senate Committee on Accounts na si Sen. Alan Peter Cayetano na upuan nilang dalawa ang isyu sa umano’y overpriced na bagong gusali ng senado sa Taguig City.
Kaugnay ito ng kautusan ni Senate President Chiz Escudero na pansamantalang itigil at isailalim sa review ng komite ni Cayetano ang gastos sa konstruksyon ng new senate building.
Natuklasan kasi ni Escudero na aabot sa ₱23 billion mula sa orihinal na ₱8.9 billion budget ang kabuuang halaga ng ipinapatayong gusali.
Sa interview ng RMN Manila, nilinaw ni Binay, na siyang dating chairperson ng Senate Committee on Accounts, na walang overprice sa NSB project dahil ang ₱8.9 billion ay para lang sa istraktura o core and shell ng gusali.
Hindi pa aniya kasama sa nasabing halaga ang kabuuang bayad kapag natapos na ang gusali.
Imbes na sa media, umapela ang senadora kay Cayentano na upuan na lamang nila ang isyu lalo’t wala pa silang maayos na turn-over..
Blangko si Binay kung matutuloy ang target na partial opening sa susunod na buwan ng new senate building.