Sen. Nancy Binay, nagsagawa ng ocular inspection sa Masungi Georeserve; pagtatayo ng pasilidad, tinututulan

Courtesy: Sen. Nancy Binay Facebook page

Mariing tinututulan ni Senator Nancy Binay ang balak ng Bureau of Corrections (BuCor) na pagtatayo ng pasilidad sa Masungi Georeserve sa Baras, Rizal.

Ito ay kasunod ng ginawang ocular inspection ng senadora doon.

Nanghihinayang si Binay na i-convert ang lugar para sa anumang proyekto ng gobyerno.


Matapos makita ang lugar, naniniwala ang senadora na dapat panatilihin ang Masungi Georeserve Project bilang Eco-tourism Area.

Paalala ni Binay, dapat na magsilbing leksyon ang naranasan sa panahon ng pandemya na kailangan natin ng mga maluluwag na espasyo.

Hiling ni Binay na magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga ahensya tulad ng Department of Tourism (DOT), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at BuCor na huwag nang tayuan ng anumang istraktura ang lugar at mas dapat na palakasin ang turismo at panatilihin ang angking yaman ng kalikasan ng Masungi Georeserve.

Facebook Comments