Sen. Pacquiao, gusto lang maging “relevant” – Cusi

Naniniwala si Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Vice Chairperson at Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi na ang mga pagbubunyag ni Senator Manny Pacquiao ng mga diumano’y katiwalian sa pamahalaan ay para lamang maging “relevant” siya habang nasa ibang bansa para kanyang paghahanda sa nalalapit na boxing match.

Ayon kay Cusi, ang mga alegasyon ni Pacquiao ay layon lamang na pag-usapan siya ng mga tao habang wala siya sa bansa.

Tulad ng iba pang whistleblowers, dapat panagutan ni Pacquiao ang kanyang mga pahayag at maging responsable sa hindi pagbibitaw ng defamatory statements.


Si Pacquiao ang tumatayong presidente ng PDP-Laban at nakatakdang harapin ang American welterweight champion na si Errol Spence Jr. sa August 21 sa Las Vegas sa Estados Unidos.

Facebook Comments