Ikinalulungkot ni Senator Manny Pacquiao ang mga isyung ibinabato sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Pacquiao, naaawa siya sa mga Pilipino dahil kung kaya nilang gawin ito sa kanya bilang elected official ay paano pa kung sa mga ordinaryong mamamayan.
Aniya, natanggap niya ang mga pang-iinsulto at mga pag-atake laban sa kanya.
Iginiit ni Pacquiao na lumang isyu na ang ipinupukol na ₱2.2 billion tax laban sa kanya.
Ang kasong isinampa laban sa kanya ay walang basehan.
Hinamon din ng senador ng memorization contest ang mga tumatawag sa kanya na “punch-drunk.”
Iginiit ni Pacquiao na kailangan ng mga mahihirap na Pilipino ng isang “genuine voice” na kanilang magiging kinatawan sa pamahalaan.
Una nang sinabi ni Pacquiao na maglalabas siya ng video at audio recording bilang katibayan ukol sa mga nagaganap na katiwalian sa ilang ahensya ng gobyerno pagkabalik niya sa Pilipinas pagkatapos ng laban niya kay Errol Spence Jr., sa susunod na buwan.
Sabi ng senador na sadyang ginugulo siya ng mga kalaban sa pulitika para matalo siya sa kanyang nalalapit na laban.