Sen. Pacquiao, mayroong “character assasination” laban kay Pangulong Duterte – Cusi

Maaaring patalsikin mula sa Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang kasalukuyang acting president na si Senator Manny Pacquiao dahil sa kanyang “character assassination” kay Pangulong Rodrigo Duterte na chairman ng partido.

Ayon kay PDP-Laban Vice Chairperson at Energy Secretary Alfonso Cusi, pwedeng tanggalin sa ruling party ang senador sa nakatakda nilang pulong sa Sabado, July 17.

Aniya, inaakusahan ni Pacquiao si Pangulong Duterte na gumawa ng mali na hindi naman niya kayang patunayan.


“It’s like character assassination. What if I accuse him and then suddenly I just leave and go to my province and sleep?” sabi ni Cusi.

Nakakalungkot aniya na nagbabato ng akusasyon si Pacquiao laban sa kanila at dapat lamang siyang mapanagot sa kanyang mga ginawa.

Dapat mapatunayan ni Pacquiao ang 10 bilyong pisong nawawala.

Facebook Comments