Nagpasa ang National Executive Committee ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan o PDP-Laban ng isang resolusyon na nagpapatalsik kay Senator Manny Pacquiao sa partido.
Nakasaad dito na nilabag ni Sen. Pacquiao ang Sec. 6, Article 7 ng party constitution na ang ginawa nitong paghahain ng Certificate of Candidacy sa alinmang posisyon sa ibang political party ay malinaw na ground para sa expulsion sa PDP-Laban.
Nabatid na naghain ng kaniyang COC sa pagkapangulo si Pacquiao nitong Oct. 1, 2021 sa ilalim ng Probinsya Muna Development Initiative o PROMDI.
Ayon kay PDP-Laban Sec. Gen Melvin Matibag, natanggap na ng opisina ni Sen. Pacquiao ang kopya ng naturang resolusyon.
Facebook Comments