Pinayuhan ni Sen. Manny Pacquiao si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon na mag-leave of absence muna.
Ito ay para hindi na umano nakakaladkad ang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng paglaya ng convict na si Antonio Sanchez.
Ayon sa Senador, kung magli-leave si Faeldon ay hindi na mapapahiya ang pangulo at ang administrasyon nito.
Dagdag pa niya, kung iginagalang umano ng BuCor Chief ang presidente ay mabuting magpahinga muna ito.
Naniniwala naman si Pacquiao na maling palayain si Sanchez at ibang convicts ng karumal-dumal na krimen.
Facebook Comments