Sen. Padilla, humingi ng paumanhin sa mga nasaktan sa “kill joke” ni FPRRD

Humingi ng paumanhin si Senator Robinhood Padilla sa mga nasaktan hinggil sa biro ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na patayin ang 15 senador na nakaupo para makapasok sa Senado ang senatoriables ng PDP-Laban.

Ayon kay Padilla, biro lamang ang nasabi ng dating pangulo pero kung may legal liability man dito ay haharapin ito ni Duterte.

Sinabi ng mambabatas na pinanganak namang handa palagi si Duterte kaya tiyak na haharapin ng dating pangulo ang anumang kakaharapin niyang legal na usapin tungkol dito.


Siya na rin mismo ang nagsabi na hindi bayolenteng tao si Duterte at taliwas sa nakikita sa politika ay isang mabait at relihiyosong tao ang dating presidente.

Matatandaang si Duterte ang nagbigay ng executive clemency kay Padilla dahilan kaya naibalik ang civil at political rights niya at nakatakbo sa Senado.

Facebook Comments