Nais ni Senator Robinhood Padilla na magsilbi siyang responsableng ‘gun owner’ sa publiko kaya isinapubliko niya na mayroon siyang koleksyon ng matataas na kalibre ng baril at mapapanood din sa kanyang social media account ang pagbili niya ng baril sa isang gun store.
Matatandaang nakulong noon si Padilla dahil sa pagbibitbit nito ng baril na walang lisensya at “permit to carry”.
Ayon kay Padilla, nais niyang maging mabuting halimbawa sa publiko kaya naman ipinagtapat niya ang pangongolekta ng matataas na baril at nais din niyang ipakita na sa legal na tindahan ng baril lamang dapat bumili.
Nagsilbing malaking aral sa senador ang pagkakabilanggo noon sa pagdadala ng baril na walang sapat na dokumento kaya ngayon ay sinisiguro niyang lahat ng kanyang baril ay may kumpletong papeles.
Binigyang diin ni Padilla na mayroon siyang license to own and possess firearms lahat ng baril ay may lisensya, mayroong permit to carry, isa rin siyang authorized gun collector, responsible sa pag-iingat ng baril at dumaan din sa pagsasanay ng gun handling at basic combat training.
Aniya pa, higit sa sampu ang kanyang mga baril na kinabibilangan ng matataas na uri ng rifle na iba-iba ang gumawa at pinanggalingan.