Sen. Pangilinan, itinangging kilala niya si “Bikoy”

Manila, Philippines – Itinanggi ni Senador Kiko Pangilinan, presidente ng Liberal Party (LP) at campaign manager ng Otso Diretso na sangkot ang LP sa anumang bagay hinggil sa video ni Bikoy.

Ayon kay Pangilinan, mahigit 100 kongresista raw ang dating miyembro ng LP na kapartido na ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya walang ibig sabihin na dating taga LP si Jayme.

Giit pa ni Pangilinan, tigilan na rin ang pagdawit sa LP sa mga gawa-gawang kwento.


Ang totoo aniyang hindi gawa-gawang kwento ay ang kawalan ng kaparusahan sa mga sindikato ng droga na nagpalusot ng tone-toneladang shabu shipments sa Bureau of Customs (BOC).

Facebook Comments