Sen. Pimentel, naalarma sa pagtuloy ng PhilHealth sa paglipat ng pondo sa National Treasury

Nababahala si Senador Koko Pimentel sa ulat na itinuloy pa rin ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang paglilipat ng karagdagang P10 bilyon sa National Treasury.

Kaugnay nito, muling umapela si Pimentel sa Executive Department na bawiin ang kanilang desisyon na kunin ang naturang pondo para ilaan sa mga proyekto.

Matatandaang kabilang si Pimentel sa mga naghain ng petisyon sa Korte Suprema na kumukwestyun sa paglilipat sa National Treasury ng sinasabing excess fund ng PhilHealth na umaabot sa halos P90-B.


Nanawagan na rin si Senadora Risa Hontiveros sa PhilHealth na huwag ituloy ang paglilipat ng nasabing pondo.

Facebook Comments