Sen. Pimentel, nag-sorry sa management at staff ng MMC

Humingi ng paumanhin o sorry si Senator Koko Pimentel sa management at staff ng Makati Medical Center (MMC) na nadismaya sa ginawa nyang pagpunta sa ospital noong gabi ng March 24, ilang oras bago niya nalaman na siya ay COVID-19 positive.

Muli pinaliwanag ni Pimentel na sinaman nya ang kanyang misis na nakatakdang manganak sa ospital at ng malaman nyang COVID positive siya ay agad syang umalis.

Diin ni Pimentel, hindi niya intensyon na magdulot panganib kaninuman at hindi nya sadya na malabag ang safety o containment protocols ng MMC.


Binanggit ni Pimentel, na sa kanyang sandaling pamamalagi sa ospital ay hindi naman sya umubo, nagsuot din sya ng mask at gloves.

Sabi ni Pimentel, walang doktor ang nag-utos sa kanya na sumailalim sa COVID-19 test.

Ito ay sariling sinisyatibo nya kasunod ng pagsailalm din sa nasabing pagsusuri ng mga kasamahan sa senado at bilang pagiingat dahil buntis ang kanyang misis.

Kaugnay nito ay nakikusap si pimentel sa MMC na alagaan ang kanyang misis na manganganak at ang kanilang sangol na isisilang sa kabila ng kanyang mga nagawa.

Umaasa si Pimentel ng pang-unawa at konsiderasyon na mabigyan siya pagkakataon na makapagpagaling mula sa COVID-19.

Facebook Comments